
how i spent my vacation. \:D/
If dude got a problem,better tell him to fall back |
|


Photo Courtesy: seasunandsluts
Am I part of the remaining 20% or do I belong to the lucky 80%?
OMGEEEE!
(via thinkingoutloud0402)

Given Grace,
Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nung nalaman ko yun, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala ka na.
Naaalala ko pa yung first impression ko sa’yo noong sumasali ka pa lang sa org natin. Sobrang friendly mo… Isa ka sa mga unang nagpa-sched sakin para sa interview, pero hindi mo ako kilala at tumatawa ka pa. Napatawa na lang rin ako nun kasi nakakatuwa ka, .. at nakakatawa rin. Di ka tulad nung ibang applicants na kinakabahan pa, sabi kasi nila mukha akong masungit (tahimik lang naman ako lagi). Samantalang ikaw sabi mo mukhang mabait naman ako. Ikaw nga yata ang unang nagsabi ng ganung first impression sakin.
Yung unang pag-uusap natin (interview), confident ka nga.. Parang napaka-natural mong kausap, hindi rin ako na-awkward sa’yo. Bukod sa Q-A portion, madami ka din sinabi tulad ng kung bakit Given Grace ang pangalan mo.. at kung anu-ano din ang pinagtatanong mo sa akin nun. Ang pinaka-memorable sakin nun ay: interested ka kung bakit Hip-Hop yung fave genre ko sa music, at nag-offer ka pa sa akin na papakopyahin mo ako ng Gossip Girl kasi gustong gusto mo yung series na yun, sobrang friendly mo.
Hindi tayo madalas mag-usap, pero tuwing kakausapin kita, sinisimulan ko sa pang-aasar. “Kumusta na kayo ni Dugan? :)))))” … “uy si Andrew oh… :))))”. Samantalang ‘pag ikaw yung kumakausap sakin, kina-kamusta mo ako, at nagpapa-kwento ka, kahit ano. Naaalala ko sa’yo yung maliit kong kapatid, pareho kayong tan, palagi kayong naka-ngiti, game sa asaran, at pareho kayong may kasungitan. hehe
Nabasa ko din yung message mo sakin bago ako grumaduate. Sabi mo nung una, parang ang lamya lamya ko at parang wala lang. Pero gwapo din pala. Marunong ka din palang mambola. Salamat sa team building natin na Sportsfest. :D … at nagpapasalamat ka pa sa mga pambu-bully ko sayo. Binigyan mo pa ako ng keychain na laminated picture natin, ang sweet na bata.
Yang picture sa taas yung favorite kong picture nating dalawa, naaalala ko pa ‘to. Nung induction, hinila mo ako para magpa-picture, at ilang shots pa yung ni-request mo. Remembrance man lang bago ako umalis ng UP.
Mami-miss kita. Yung kakulitan at ngiti mo. Pati yung GM mo na twice mo pang sine-send. Babalik-balikan ko ‘tong blog post na ‘to. Maraming salamat sa lahat, Given.

Katarungan para sa isang ISKOLAR NG BAYAN!
Katarungan para sa pagkamatay ni Bb. Given Grace Cebanico
(via allancanare)
Grey Daze Theme by Polaraul